Ang Tricycle ni Papa: A Memorabilia
Ang Tricycle ni Papa A Memorabilia Ang buhay ay para gulong at habang umiikot ito ay patuloy din nabubuhay ang bawat pangarap. Ang pagkawala ni ama ay isa sa pinakamalaking dagok na dumating sa murang kamalayan ng aming pamilya. Namatay si Papa na walang iniwang problema sa amin at ang kanyang mapayapang pagpanaw ang siyang nagpapagunita sa amin ng kanyang makulay na buhay. Ang Tricycle ni ama ay bahagi na ng aming buhay. Ang aking ama noong nabubuhay pa ay walang inintindi kundi ang kapakanan namin kaya marahil napabayaan niya ang kanyang sariling kalusugan. Sa mga hamon ng buhay, sama-sama kaming lumalaban at kahit sa mga huling sandali ng kanyang hininga ay hindi namin iniwan si ama. Noong unang araw ng maospital siya ay napilitan kami isangla muna ang tricycle ni ama sa halagang 20,000.00. Ang halagang ito ay dumagdag sa kukunting bahagdang buhaya ni papa matapos mailagak ang walang malay niyang katawan sa loob ng ICU (Intensive Care Unit) ng ospital. N...