Ang Tricycle ni Papa: A Memorabilia

Ang Tricycle ni Papa
A Memorabilia


Image may contain: outdoor

Ang buhay ay para gulong at habang umiikot ito ay patuloy din nabubuhay ang bawat pangarap.


Image may contain: sky, cloud, tree and outdoor

Ang pagkawala ni ama ay isa sa pinakamalaking dagok na dumating sa murang kamalayan ng aming pamilya. Namatay si Papa na walang iniwang problema sa amin at ang kanyang mapayapang pagpanaw ang siyang nagpapagunita sa amin ng kanyang makulay na buhay. Ang Tricycle ni ama ay bahagi na ng aming buhay.

Ang aking ama noong nabubuhay pa ay walang inintindi kundi ang kapakanan namin kaya marahil napabayaan niya ang kanyang sariling kalusugan. Sa mga hamon ng buhay, sama-sama kaming lumalaban at kahit sa mga huling sandali ng kanyang hininga ay hindi namin iniwan si ama. Noong unang araw ng maospital siya ay napilitan kami isangla muna ang tricycle ni ama sa halagang 20,000.00. Ang halagang ito ay dumagdag sa kukunting bahagdang buhaya ni papa matapos mailagak ang walang malay niyang katawan sa loob ng ICU (Intensive Care Unit) ng ospital.

Image may contain: one or more people, outdoor and nature

Noong nabubuhay pa si Papa ay todo kung linis ang trycyle. Minsan mas mabango pa ito sa amin. Alagang- alaga ni Papa ang tricycle. Ang Tricycle ni Papa ay nagpapagaan sa nagluluksa naming diwa. Ngunit wala ni isa sa amin ang kursonadang magmaneho sa pamana ni ama kaya na pagdesisyunan na ibenta nalang ito kaysa naman masira. Isang praktikal na hakbang.

Image may contain: 1 person, outdoor


Maituturing na tapos na ang sentimental na mga araw sa hinuha namin. Ang magpaalipin sa nakaraan ay natakasan na namin.



Hangad namin na mapangalagaan ng bagong may-ari ang tricycle ni Papa na minsan'y naghatid sa amin sa aming mga pangarap.

Comments

Popular posts from this blog

Elementary Days

Municipal Mayors of Alabel