Elementary Days
Ang elementary ay simula ng isang kahanga-hangang paglalakbay sa walang katapusang pag - aaral at pangarap.
Taong 2003, nag-aaral na akong maglakbay. Sisimulan ko ito sa unag baitang sa elementarya. Binalak ni ina na ipasok ako sa SPED ngunit kung anong bagay ang pumigil sa akin. Hindi ko binuka ang bibig ko at naging blanko ang isipan ko at dahil dun hindi ako natanggap sa SPED. Ako ay nag-grade 1 sa Alabel Central Elementary School (ACES), mas kilala ang mga mag-aaral nito bilang regular. Totoong nakakapanibago.
Sa ACES naging guro ko sa unang baitang si Gng. Gloria S. Dema-ala. Section Dahlia ang aking kinabibilangang pangkat at marami - rami din akong natutunan sa unang exposure ko sa tinatawag na social world. Ang araw ko ay isang routine na nakapattern sa dalawang pang-araw-araw na pagkilos, una ay paggising ng maaga at pag-aaral ng mabuti. Sa unang taon ko sa elementary ay isang karanasang labis kong inaalala dahil maraming tagpo sa grade 1 ko na nakalimutan ko na.
May iilang tagpo na hindi ko malimutan tulad ng nadulas ako sa putikan kaya pinagtawanan ako ng mga klasmeyt tumungo ako sa CR at doon nilinis ko ang putikang short ko, alalang-alala ko na halos mainis si Ma'am Dema-ala sa akin. Hindi ko makalimutan na minsa'y inutusan kaming mag-igib ng tubig sa bomba ng tubig ngunit naisip ng isang kaklase ko na doon sa labas ng skul mag-igib at dahil dun napagalitan kami. Grade 1 ako ng maranasan kong mag cutting class kasama ko ang klasmeyt kong si Dayday at ito ang una at huli na ginawa ko. Nagsinunggaling ako sa nanay ko na walang pasok. Isa pang karanasan na nangyari sa Grade 1 ko ay ng may kaklase akong nakaalitan. Sinabi nyang isusumbong daw nya ako sa nanay nya kaya hindi ako mapakali ngunit hindi na pumunta ang nanay niya. Ito ang nagbigay diin sa akin maging tahimik at doon nagsimula ang malalim na focus ko sa pag-aaral. Hindi ko rin makalimutan na noong grade 1 ako ay inutusan ako ni Ma'am na kumuha ng grocery sa kanilang cooperatiba at yun pala'y utang iyon ni Ma'am.
Noong ako'y grade 1, pawang pagbasa, pagsulat at pagbibilang ang natutunan ko. Naaalala ko pa ang pagtama ko sa wastong ispeling ng butiki. Muntik akong masali sa honor's list noong grade 1 ngunit dahil umabsent ako hindi ako nakasali sa exam.
Natapos ko ang grade 1 at nakatanggap ako ng espesyal na award bilang Most Behave ng klase, ang aking Lolo Gorio ang kasama kong umakyat sa entablado. Patunay ang isang larawang natago namin sa mahabang panahon. Ito ang saksi sa unang parangal na natanggap ko sa elementarya.
***
***
Grade 2 na ako, ngunit parang nasa ibang mundo na naman ang ginagalawan ko. Nalipat kasi ako sa SPED. Doon naging klasmeyt ko ang mga dapat ay kaklase noong grade 1. Nakakapanibago nun una ngunit nasanay na din ako. Naging guro ko si Gng. Fortunata Haudar. Mabuti ang pakikitungo niya sa amin.
Maaga akong gumising dahil nais kong mauna sa paaralan. Isa sa pinakagustong kong ginagawa ay magwalis. May isang walis sa loob ng divan na paborito ko kaya ayaw ko na may ibang gumamit nito. Sa grade 2 natutunan ko ang pinaka basic na saya at ito ay ang magawa ang nais mo. Sa murang gulang naitatak na sa diwa at isipan ko na kong gusto may paraan.
Naging mahiyain ako sa una. Walang nagtangkang kumausap sa akin. Buti na lang naging klasmeyt ko sa Diane. Si Diane ang pinsan kong babae.
Paglaon na naging kaibigan ko na si Michael. Mabait ngunit pilyong bata si Michael. Naging malapit ko siyang kaibigan. Naging kalaro ko siya at dumami pa ang kaibigan dahil sa kanya. Naidagdag sa listahan sina Bingo, Tom, Paulo at Ceejay. Ngunit sa pagitan ng mga araw hindi maiwasan ang pikunan at tuksuhan.
Memorable para sa akin ang aming Christmas Party kung saan inimbita ng aming guro si Jollibee. Ang saya na naidulot nito ay di na nabura sa mura kong isipan. Magalaw si Jollibee kaya nung pagkembot niya ay tumalsik at natumba ang klasmeyt kong babae. Napakasaya ng paligid at pag-uwi pa'y may dala pang laruan.
Nagkaroon din ng mass demonstration o sabayang pagsasayaw noong grade 2 ako. Naaalala ko pa na sumayaw kami ng Wowowee na noo'y pinaka sikat na kanta sa telebisyon. Ang ginamit naming props ay hulahop. Ito ang lyrics ng kanta..."sa Luzon, sa Visayas at sa Mindanao...." habang iniikot namin ang hulahop.
Dama ko ang saya at kagalakan sa aking grade 2.
***
Grade 3 na ako. Naging guro ko si Gng. Charlotte P. Dimaudtang. Masasabi kong ito ang naging napaka-scary moment ko sa elementary.
Ito'y hindi paninira bagkus ay katotohanan na maaaring suportahan ng mga naging klasmeyt ko. May isang araw na tumatak sa mura kong isipan. Ito ay ng tapunan kami ng basaruhan ng aming guro. Ang tinutukoy kong basurahan ay plastik na lalagyanan ng basura at puno ng alikabok. Nang itapon ito ni Ma'am ay muntik ng matamaan ang aking klasmeyt at kaming nasa gilid ay nakatikim ng alikabok. Noon, wala pang DepEd hotline at tanging Bombo Radyo lang ang kinatatakutan ng mga malditang maestra. Walang naglakas loob na magsumbong sa mga magulang at ito'y nalimot na rin ng panahon.
Disiplinarian si Ma'am at minsa'y labis na. Mahilig siyang magbanta at panay pananakot ang naririnig ko. Takot ang namayani sa akin at ito ang naging dahilan upang mawalan ako ng gana sa pagpasok sa iskul.
Tulad ng iba, nakaranas din akong mapahiya nang minsa'y nagsulat ako ng mga mapanglait na komento sa mga christmas card at sinulat ko ng mga pangalan ng aking klasmeyt. Nakita ni Maam ang xmas card at tinanong kung sino ang nagsulat nito, wala kong magawa kaya inamin ko ang totoo. Ito ang pinakanahihiyang tagpo noong Grade 3. Dagdag sabi ni Maam, "akala ko'y mabait ka." Bumaon ang mga katagang yun sa diwa ko.
Noong ako'y grade 3, pinasali ako ng boy scout. Tumungo kami sa Maasim dahil doon ginanap ang Jamboree at Scouting. Kakaiba yun. Doon kami natulog sa isang paaralan malapit sa dagat. Dama ko ang simoy ng malamg na hangin na mula sa dagat. Ito ang unang pagkakataon na mapawalay ako sa aking ina't ama. Namasyal kami sa Maasim. Naaalala ko ang paglalakad namin sa kanila plaza. Pumasok kami sa kanilang Gymnasium upang makinig ng programa. Tanaw ko rin ang isang krus sa tuktok ng bundok. Naaalala ko rin maging ang kanilang lumang Municipal hall. Nadiskubre doon ang kakaibang kakayahan ko napaganahin ang malawak kong imahinasyon. May mga porma at liwanag na nabubuo sa isipan ko.
Naging malapit kong kaibigan sa grade 3 sina Mavin, Stephany, at Pearl, hangad kong naaalala din nila ito.
Grade 3 ay iyon din ang simula ng mandatory na murals sa mga klasroom. Naaalala ko pa ang makukulay na larawan sa pader ng klasroom tulad nina winnie the pooh at dora.
***
Grade 4 na ako. Natakas ko man ang pait ng grade 3. Hindi naman ako nilayuan ng mga banta tulad ng bullying. Namutawi sa murang isipan ang kakaibang mentalidad na minsa'y naisip hindi ako tanggap ng lipunan. Sa grade 4, bumuo ako ng isang cognitive routine nakalauna'y tinawag ko na "protocol".
Sa aking protocol hindi kailangang maging friendly para may makipag-usap sa akin. Inilayo ko ang sarili ko sa ibang bata at ini-isolate lamang sa apat na sulok ng classroom na tandang-tanda ko pa. Tumaas ang antas ng sense of humor sa mga kilos ko at maging sa mga kwento at pananalita. Minsa'y nasuntok ako ng klasmeyt ko sa balikat dahil sa kakulitan ko habang nagwawalis.
Naging guro namin sa Gng. Araceli Dinopol. Maganda at matangkad si ma'am. Mabait at mangiti. Nanumbalik ang gana ko sa pag-aaral.
Hindi ko makalimutan na noong grade 4 ako ay labis na tumaas ang presyo ng bigas. Kaya napilitan kaming bumili nalang ng murang kilo ng bigas sa mga NFA outlet noon. Naranasan kong pumila ng matagal at limitado lang noong sa limang kilo kada araw. Bilang solusyon sa mababang iron ng mga bata sa iskul, namigay ng bigas ang NFA sa aming mga bata. Tig-aapat na kilo ng bigas ang ibinigay kada hapon. Minsa'y dinala ko aking alagang kalapati sa klase sapagkat ginamit namin iyon sa klase. Nung hapon na pinakain ko sa kalapati ang mga nahulog na butil ng bigas. Nilagay ko aking bulsa ang kalapati. Ngunit maamo na man at iniksian ko ang kanyang pakpak upang hindi makalipad.
Grade 4 din na una kaming tinuruang kumanta at i-execute ang Sarangani Hymn. Sumali din ako ng Mass demonstration noong Grade 4. Naaalala ko pa na may tamborine yun. Hindi ko lang matandaan ang kanta at sayaw.
Nangyari din sa grade 4 ang pagsali ko sa Drum and Lyre Band ng SPED. Ang naging papel ko sa banda ay tagatugtog ng xylophone. Dinagdagan ko lang alalahanin ang buhay ko dahil sa pagsali ko sa nakakapagod na gawain na ito.
****
Masaya ako dahil nakapasa ako sa grade 4 at ngayon grade 5 na ako. Hulaan nyo sino ang teacher ko. Walang iba kundi ang guro ko nung grade 3. Taliwas sa naramdaman ko noong ako'y grade 3 mas bumaba ang kaba.
Nagkaroon ng ambisyusong home room project nung grade 5. Sa kakapusan ng pera matagal kaming nakabayad. Nang minsa'y nagtanong si Maam na tutunan kong magsinunggaling.
Naaalala ko pa na minsa'y pinag report ka. Di ko mawari kung bakit natatawa ako sa pagbabasa ng klasmeyt ko kaya upang labanan ang pagtawa. Inilagay ko sa butas ng ilong ko ang aking daliri habang nasa harapan. Huli kong mapagtanto na nakakahiya pa iyon. Ang subject ay makabayan, doon sumumpong ang kahambugan ko kaya panay sabi ako sa mga sagot noong recitation ngunit noong ako na ang tinanong wala akong nasagot ng tama. Natuto ako ng araw na iyun doon na natutunan ko ang tinatawag na "selective information". Ito ang pagsasabi ng mga kwento o pormang kaalaman na selectibo o hindi buo ang mga bahagi upang mapanatili ang original na kaalaman sa akin. Sa payak na pananaw, kailangang kong ma-master ang sining ng pagsasabihin ng hating karunungan.
Naparaming bagay ang lubos na hiwaga sa akin noong akoy nasa grade 5. Hinubog ako ng grade 5 sa 45% na limitadong gamit ng utak ko. Naalala ko nang minsa'y nadulas ako sa putikan dahil kakulitan during sa isang practice ng banda. Imbis na pagtawanan ay tinulungan ako ng mga klasmeyt ko pero halata kong may tumatawa sa akin. Nabuo ang malinaw na depinisyon ko sa human behavior noong grade 5 at pinangako ko na di natutumba pa.
Noong akoy nasa grade 5 pa, kasama ang mga kagrupo sa isang activity sa isang subject tumungo kami sa bahay nina mavin. Malayo iyon at naglakad lang kami. Ngunit napatanto ko mas malapit pa la ang isang ruta kumpara sa dinaanan namin. Napagod talaga ako at pinangakong mag-iisip ng mabuti. Tumataas na ang antas ng aking imahinasyon noong grade 5, naiisip kong nakakausap ko ang mga hayop at halaman. Mabilis na rin ang memorya ko at marunong na ako sa basic na kaalaman sa critical thinking at analyzation. Ngunit hindi ko ito nagamit sa kadahilanang kailangan kong sumunod sa goal na inatas ko sa aking sarili at ito ay ang mga low profile na mag-aaral. Ninais kong bumuo ng isang stereotype na imahen ng isang lampa, kwela at di marunong sa klase. Napanatili ko ito noong grade 5.
Pilit na kumakawala ang henyo kong katangian. Lihim yun at naingatan ko ito.
May tagpo sa grade 5 nagkaroon ako ng kasalanan, napiktas ang bracelet ng klasmeyt ko. Natakot ako dahil baka pabayaran sa akin. Kaya mabilis ko binuo ang bracelet nya at binigyan ko nalang siya ng singko.
Ang pag-aaral ko sa elementary ay unforgettable. Hindi baon ang dahilan kaya ako nag-aaral. Naka selyo sa aking hinuha ang totoong layunin ng pag-aaral at itoy pasayahin sina mama at papa. Abala kami noong sa pagtatanim ng munggo at mani sa bukid at doon nagsimula akong mangarap at lumipad sa ulap. Masaya at wala reklamo sa buhay ang pag-aaral ko sa elementary.
Muntik akong makapasok sa honor's list nung grade 5 ako. Bumaon sa memorya ko ang sabi ni maam, "Better Luck next time". Naging determinasyon ko ito sa tahimik na paraan. Ito ang generalization na minsa'y naging grade 5 ako.
****
Huling taon sa elementarya. Grade 6 at malapit na akong grumadweyt. Tulad ng marami sabik na rin akong magsuot ng toga. Ngunit sa taliwas na damdamin ang aking nagugunita. Doon ko naramdaman na akong bata. Grade 6 noong nakisalamuha ako sa mga klasmeyt ko, nakasabay kong mag-laro sina Dwigth at Ceejay maging si Japeth at Paulo ay nakalaro ko noong grade 6.
Si Gng. Rosalinda Hermo ang aming guro. Noong grade 6, maraming aktivity sa skul ang sinalihan ko. Natanggap ako sa Jazz Chant. Nagtampok kami sa capitol gym habang may suot na kapote at may dalang payong ang iba. Nahirapan ako dun ngunit iyun ang naging simula ng pagkatuto ko. Nanalo kami. Nawa'y naaalala pa rin ako ng mga klasmeyt ko. "Raining raining, raining hard...." unang banggit sa linya. Masaya at kahanga-hanga iyun. Panggulo man ako ngunit na dahilan naman ito upang dumami pa ang mga karanasan.
Nanalo din ako bilang Grade 6 Representative noon. Nanguna ako sa botohan. Hindi ko iyon inaasahan. Ngunit na realize ko naging tagabantay lang pala kami sa mga grade 1 at grade 2. But at that point naintindihan ko ang meaning ng leadership. Nagamit ko ang karanasang ito sa mas marami pang leadership role ko sa buhay lalo na nung ako'y mag high school at kolehiyo.
Nabigyan din ako ng chance na maging partisipante sa isang quiz bowl sa Makabayan. Natalo ako dahil napagtanto ko ang protocol na hindi ako makikisangkot sa mga patimpalak na magbibigay sa akin ng mataas na karangalan. Akala ng iba mananalo ako ngunit natalo ako dahil ginusto ko. Nalalaman ko ang ugnayan ng mga pangyayari dahil sa tinatawag na instinct na sabi nila imbeded na sa atin.
Nanalo ako sa postermaking noong shoolbased nutrition day poster amking contest at naging participante sa barangay level. Naghanda kami ni Mama sa event ngunit hindi nasunod ang plano dahil naniwala ako isa kong klasmeyt. Natalo ako at labis kong nadisappoint si Mama. Mula noon naging normal setting na ng isipan ko ang konsepto ng mind rehearsal na tinuro ni Mama na huwag maniniwala sa ibang tao maliban nalang kong halatang nagsasab ng totoo ang isang tao batay sa kilos ng mga mata, pagbuka ng bibig at tayo ng buhok sa ulo.
Minsa'y napili ako na sumali sa provincial poster making contest sa capitol gym. Wala naman akong alam sa pinasok dahil kinuha lang naman ako pamalit sa isang contestant kaya ginawa ko lang ang alam. Gamit ang makukulay na chalk ay gumuhit ako at naconceptualize sa topic na hindi ako familiar. Natalo man ako natuto man din. Nabusog naman ako sa merienda at pananghalian ngunit nag-aalala na pa la si ina dahil hindi nga ako nakauwi.
Nagkaroon din ako ng pagkakataon na maging bahagi ng drum and lyre band ng SPED sa loob ng tatlong taon. Hindi nakapagtataka na may kontng alam ako sa pagtugtog ng xylophone na sa paglipas ng panahon ay nabaon din sa limot.
Alam nyo ba ang MTAP? tungkol iyun sa Math at dahil mahirap ang math nagpalista ako sa isang review kada sabado ngunit wa effect hindi naman ako gumaling maliban nalang sa pagkabagot.
***
Sa wakas, araw na ng pagtatapos. Sa loob ng anim na taon, iiwanan ko na ang elementary. Alam kong mamimiss ko ang elementary lalo na ang mga lugar at kaklase ko naging bahagi na rin ng buhay ko. Mamimiss ko rin ang mga guro ko. Maging ang ruta na binabaktas ko araw-araw. Ang uniforme ko at mga butas na sapatos at medyas.
Sa araw ng aking pagtatapos ay nagbigay ako ng ngiti at saya sa aking mga magulang. Natupad ang goal ko. Wala man ako mataas na karangalan dala ko naman ang matatayog na pangarap. Nakatataba ng puso na makasama ang aking mga magulang sa espesyal na tagpong ito lalo si ama.
Nagtapos pala ako ng may special award. Hulaan nyo? kung ano ang award ko nung grade 1. Oo, ako lang naman ang hinirang na most behave sa klase. Patunay na naging mabuting bata at mag-aaral ako sa buong taon ng grade 6. Hindi pa dyan natatapos nagkamit din ako ng Loyalty award bilang myembro ng Drum and Lyre band. May espesyal ding pagkilala dahil nga nanalo kami ng 2nd place sa Jazz Chant. Jazz chant winner ako nong elementary ngunit ang totoo wala akong natutunan sa activity na yon kundi pagpigil sa takot.
Masayang-masaya ako at mapalad. Hindi ko maisip kung bakit sa kabila ng pagod at kakapusan sa buhay ay nakakaya pa rin namin na maging positibo at maligaya.
Sa bahay ay nagsalu-salo kami ng bihon at loaf bread, espesyal na handa sa espesyal na pangyayari. Ito ang simula ng mas makulay na buhay ko. ABANGAN>#
-Christian Jay S. Laya

Comments
Post a Comment