SAP: A sort of Public Service in the middle of a Pandemic
SAP: A sort of Public Service in the middle of a Pandemic Christian Jay Sope Laya Mapalad akong naging kasangkapan upang makita ng mamamayan ang hirap at sakripisyong ipinuhunan ng mga kawani ng gobyerno para maihatid ang perang hinukay mula sa kaban ng bayan. Napapagitnaan tayo ng dalawang krisis, ang COVID-19 na hindi nakikita at karaingan pangmadla na nakabibingi. Ang tuluyang paglamon ng mga krisis na ito sa diwang mapayapa ng mga tao ang nagpamitsa sa tulog kung haraya upang gawin ang pagsasalaysay na ito. Bata pa lang ako naging bahagi na ng buong kong sistema ang iulat sa pansariling kong pananaw ang mga sitsit at ungol ng aking kapaligiran. Napapanatili ko na maingatan ang mga imahen sa aking isip na para bang ako'y lutang sa ekspektasyon tulad ng mayorya. SAP Pay-out sa Paraiso Abril 23, 2020 Umaga'y bata pa at animo'y antok pa ang pintuan ng kaluluwa ngunit dahil pagong na galaw mag-aalas otso na nagsimula umikot ang mga gulong patungong Parais...