Allan C. Laya


SI AMA AT ANG KANYANG MUSIKA
Christian Jay S. Laya



I
Sa lahat ng katangi-katanging nauukol sa kanya ay maisasagot ko’y walang iba bagkus ay ang kanyang musika.


II
Si ama’y bihasa sa pagtugtog ng gitara. Ang mga sandal na  naririnig ko siyang tumugtog ng gitara, sa mga panahong tahimik ang mundo’y kinukulayan niya ng magagandang himig pagsamba.


III
Kapuri-puri ang talento ni ama na para sa akin ay walang makahihigit kundi siyang siya. Naging mapagbigay sa talentong bigay, hindi nagdamot at buong puso inialay, himig ng pagsamba sa Diyos at sambayanan ng Poong Lumikha.


IV

Dalangin sa Panginoong Diyos Ama, marinig sanang muli ang musika ni papa na nagturo sa amin upang matanto na walang saysay ang buhay kung walang Diyos at kung walang musika.


V
Sadyang masakit na mawalan ng isang huwarang ama ngunit kung tutuusin mas nanaisin ko pa na makapiling ang Diyos Ama. Ang langit na matayog kung titignan ay puno ng musika at kaluwalhatian at isa na dito ang musika ni Allan.


VI
Hindi nasayang ang buhay ng aking ama dahil kung iisipin ay nagampanan naman niya ng buong puso at pagpapakumbaba ang maikling mga pahina na magsasalaysay sa kanyang buhay at mga pangarap.


VII
Pangarap na makasama ang Diyos at makamtan ang buhay na walang hanggan. Hangad namin na muli makasama si papa kaya ngayo’y pinagpapatuloy namin ang kanyang mga yapak patungo sa kabanalan ng Diyos. 


Comments

Popular posts from this blog

Elementary Days

How Mayor Salarda Redefined Leadership in Alabel