Diary: July 30, 2017
July
30, 2017
Linggo. Araw ng pagsamba. Alas-7 ng
umaga ay sadyang pinilit kong imulat ang mga mata at naghanda para magsimba.
Naglakad kasama si Mama ngunit pagdating sa plaza ay pinasakay kami sa tricycle
ni Ante Edith. Bumili ng bulaklak si Mama. Si Father Toto Rano ang nanguna sa misa.
Naglakad lang kami ni Mama pag-uwi.
Kumain ng agahan at ang ulam ay
ginamos at paksiw. Nanood ng Zootopia sa laptop. Nagpakain ng mga manok.
Dumating si Mommy Soling. Ang ulam sa pananghalian ay bihon na may sabaw at ang
sahog ay manok. Ginawa ang powerpoint ni Jun2x.
Pumunta sa Spring. Sakay ng pick up
ni Kuya Arnie. Kasama si Ante Soling, Mama, Jun2x at Lyka ay tumungo kami sa
sementeryo upang magpintura sa puntod ni Papa. Mayroon ding libing doon. Mula
sa bandang sementadong daan sa tuktok ng burol ay naglakad lamang kami. Mainit.
Marami pang natira sa pintura. Bandang alas 4:00 ng hapon ay patapos na kami.
Naglakad lamang kami pag-uwi. Pagdating sa bahay ay merienda kami kasama si
Tito Arnold. Uminom kami ng RC at Lemon at tig-iisang biswit. Nagpakain ng mga
manok namasdan ko na unti-unti ng nabibiyak ang mga itog ng aming inahing
manok. Nag-hugas ng mga paa at kamay.
Nanood ng Goin Bulilit sa bahay ni
Tito Arnold. Nanood ng The Voice Teens Champion’s Night sa bahay habang abala
sa pagsusulat. Nanalo si Jonah ng Davao sa The Voice Teens bilang first winner
ng nasabing patimpalak. Kumanta siya ng I believe I can Fly. Si Isabel, Micah at Jeremy ang sumunod
respectively. Nanood ng Wansapanataym (Amazing Ving) ni Aura at DKNLK. Nanood din ako ng Kapuso mo Jessica Soho. Tumawag
si Tito Poly. Maulan na naman. Nanood din ako ng Rated K, Gandang Gabi Vice at
SNBO American Sniper ngunit ko naman natapos. Bandang alas 11 na ako natulog. Alam
ko na matatapos ang araw na ito na masaya at hangad ko ang ikagaganda ng buhay
bukas, lalo na araw ng erolmenyt bukas sa kolehiyo. ¤
CHRISTIAN JAY SOPE LAYA
07-30-2017
POBLACION, ALABEL
SARANGANI PROVINCE
Comments
Post a Comment