Alabel

Alabel
ni Christian Jay Laya



Sa dalisay mo’t kakanyahan
Higit kang maganda kaysa buwan
Ang alindog mo’y di ko pagsasawaan
Pagkat iniirog kita bayan ko’t tahanan.


Sa aking pagsilang hanggang kamatayan
Utang ko sa iyo,Alabel,
Ang dangal ko’t pangalan
Ipagmamalaki ko,akoy Alabelian.


Pinagtibay ka ng kapanahunan
Hinamon man,sawi at sugatan
Lumaban ka at pinagtagumpayan
Ikaw! Alabel bayang kong hirang.


Pinatuloy mo kami
Kinalinga’t minahal
Ika’y bulwagan ng kapayapaan
Huwaran ka sa katahimika’t kalinisan.


Hindi ka nagkulang sa pagpapaalala
Sa dunong kong angkin
Ikaw ang pumunla
Saanman akoy aral mo’y dala-dala.


Sa paglipas ng panahon,araw at buwan
Mamamasdan pag-unlad mo’t pagyaman
Sa mga taong iyong tinulungan
Ikaw! Alabel dapat pasalamatan.


Sa lupa mo’t hangin na aking kinagisnan
Hiling ko’y ito rin ang huli kong hantungan
Upang laging kita makasama
Sa lupain mong ginintuan.


Alabel, saksi ka sa aking pagsilang
Ikaw ay nagsilbing tagapagturo’t kaibigan
Sa simbahan mo’t paaralan
Kasama ang Diyos ako’y binasbasan.


Mamatay man ako at mabuhay muli
Sa mga panahon,lugar at lipi
Sa tinubuang lupa ako’y magbabalik
Alabel,mahal kong bayan ang siyang magwawagi.






Alabel, the center of governance and excellence of the Province of Sarangani. A first class municipality, home of my dream and journey. A shelter of culture, traditions and faith. My home, my land until the end of days.
ABANTE ALABEl!
Smile Alabel!
 



Comments

Popular posts from this blog

Elementary Days

How Mayor Salarda Redefined Leadership in Alabel