Posts

Showing posts from June, 2018

PPSS: Sulong Sarangani

Image
PPSS Batch 2018 Alabel, Sarangani Province June 18. 2018 Pinatawag ang mga kabataan na naging iskolar ng Paaral Para sa Sarangan Scholarship Program ng Lalawigan ng Sarangani. Maaga pa lang ay nandoon na ang mga iskolar. Sumali sila sa pang-lunes na Flag ceremony kasama ang mga kawani o empleyado ng probinsya. Ang mga iskolar ay nakisambit rin sa panunumpa ng mga lingkod bayan at naki-indak sa awiting pinamagatang "Ang serbisyong sibil". Pinakilala ni Ma'am Glenda Revano ang mga matagumpay na iskolar na nagsipagtapos noong nakaraang mga buwan na bubuo sa bagong Batch 2018. Masaya ang kapaligiran at napupuno sa halakhakan ang paligid.  Pumunta sa harapan ang mga iskolar. Nakangiti at halatang nahihiya. Binasa ni Ma'am Glenda ang mga matagumpay na iskolar na naging mga Cum Laude, isang pagkilala pang-akademya. Isa na doon si Christian Jay Laya. Si Jay ay nagtapos na Cum Laude sa Mindanao State University-General Santos City sa kursong Bachelo...

Mindanao State Unversity - General Santos City 39th Commencement Exercise

Image
Mindanao State Unversity - General Santos City  39th Commencement Exercise  Batch Sinag-Laya 2018 Walang paglagyan ang aking kaligayahan na makapagtapos ng pag-aaral sa isang prestiyusong pamantasan. Noon pangarap ko lang ito at ngayon nakamit ko na ang bunga ng apat na taong pagsisikap na makakuha ng karangalan. Pumasok ako sa MSU bitbit ang pangarap na siyang pangarap din ng aking mga magulang. Dinala ko ang mga pangaral ni ama at ni ina. Ang mga araw ay hamon para sa'kin at pinagbubutihan ko ang bawat sandali. Marahan kong binaktas ang daan sa kinabukasan na may tiwala sa Diyos na ito'y makamit. Sinikap at pinagbutihan ko ang lahat at hindi ko kinalimutang magdasal. Sambit ko ang pangalan ni Kristo sa bawat pahinang aking binabasa, sa bawat guhit at sa bawat ritmo ng mga salita sa bibig. Mahalaga sa akin ang edukasyon, sabi ina, ito daw ay yaman na mailap masungkit. Hindi mala-pantasya ang buhay taliwas sa mga fairytale na aking napapanood sa...