PPSS: Sulong Sarangani

PPSS Batch 2018
Alabel, Sarangani Province
June 18. 2018


Pinatawag ang mga kabataan na naging iskolar ng Paaral Para sa Sarangan Scholarship Program ng Lalawigan ng Sarangani. Maaga pa lang ay nandoon na ang mga iskolar. Sumali sila sa pang-lunes na Flag ceremony kasama ang mga kawani o empleyado ng probinsya. Ang mga iskolar ay nakisambit rin sa panunumpa ng mga lingkod bayan at naki-indak sa awiting pinamagatang "Ang serbisyong sibil".


Pinakilala ni Ma'am Glenda Revano ang mga matagumpay na iskolar na nagsipagtapos noong nakaraang mga buwan na bubuo sa bagong Batch 2018. Masaya ang kapaligiran at napupuno sa halakhakan ang paligid. 


Pumunta sa harapan ang mga iskolar. Nakangiti at halatang nahihiya. Binasa ni Ma'am Glenda ang mga matagumpay na iskolar na naging mga Cum Laude, isang pagkilala pang-akademya. Isa na doon si Christian Jay Laya. Si Jay ay nagtapos na Cum Laude sa Mindanao State University-General Santos City sa kursong Bachelor of Arts in History. 











Comments

Popular posts from this blog

Elementary Days

Municipal Mayors of Alabel