Mindanao State Unversity - General Santos City 39th Commencement Exercise

Mindanao State Unversity - General Santos City 
39th Commencement Exercise 

Batch Sinag-Laya 2018


Walang paglagyan ang aking kaligayahan na makapagtapos ng pag-aaral sa isang prestiyusong pamantasan. Noon pangarap ko lang ito at ngayon nakamit ko na ang bunga ng apat na taong pagsisikap na makakuha ng karangalan.

Pumasok ako sa MSU bitbit ang pangarap na siyang pangarap din ng aking mga magulang. Dinala ko ang mga pangaral ni ama at ni ina. Ang mga araw ay hamon para sa'kin at pinagbubutihan ko ang bawat sandali. Marahan kong binaktas ang daan sa kinabukasan na may tiwala sa Diyos na ito'y makamit.

Sinikap at pinagbutihan ko ang lahat at hindi ko kinalimutang magdasal. Sambit ko ang pangalan ni Kristo sa bawat pahinang aking binabasa, sa bawat guhit at sa bawat ritmo ng mga salita sa bibig. Mahalaga sa akin ang edukasyon, sabi ina, ito daw ay yaman na mailap masungkit.

Hindi mala-pantasya ang buhay taliwas sa mga fairytale na aking napapanood sa TV noong araw. Ang bawat araw ay digmaan na dapat paghandaan at pagtagumpayan.

Mababakas sa aking mukha ang tunay na saya. Isipin n'yo apat na taon. Bawat taon, iba't ibang pagsubok ang aking kinaharap, iba't ibang tao ang aking nakasalamuha. Ang nagsumikap ako at nagpakumbaba. Hindi ako bumitaw sa aking pananampalataya. Ang Panginoong Diyos ang siyang aking gabay at sa tuwina'y lakas ko sa buhay.

Ang kasaysayan na siyang aking kurso ay minahal ko simula pa noong ako'y nasa elementarya. Isa sa aking mga mithi sa buhay ang matutunan ang maraming bagay at ibinuhos ko sa pagsasaliksik ang mga bakante kong oras.

Mahilig akong magbasa at mahilig akong mangarap. Kakambal ng mga hilig ko ang pangarap. Sinunod ko ang aking mga hilig at nangarap ng sabay. Hangin, ulan at init, mga panahon walang katapusan.

Mula sa kaliwa pakanan: Zearrah Maika (AB Sociology), Christian Jay (AB History) at  Ferry Diana (AB English)

Ang mga kaklase ko sa high school ay naging matalik ko ring kaibigan. Pumasok at nakipagsapalaran din sila sa Pamantasang Estado ng Mindanao. Apat na taon din nila kinaya ang lahat. Alikabok, pawis at init na may mithing dakila.

Batch Sinag-Laya 2018

Tunay na pambihira ang makakuha ng parangal sa MSU. Cum Laude, latin honor karapat-dapat ba ako para dito?

Ang pagbuhos ko ng 100% sa lahat ng mga gawain ko sa loob at labas ng paaralan ay nakagawian ko. Inisip ko na ang lahat ng paghihirap ay may mabuting bunga. 

Nagbunga nga at higit pa.

Mula sa kaliwa pakanan: Allan Jr, Christian Jay at Arson Mharc


Mula sa kaliwa pakanan: Krystaline, Maika, Christian Jay at Ferry Diana

Si Christian Jay kasama ang isa pang Christian at Cum Laude.

Mula kaliwa pakanan: Franz RJ, Christian Jay at Rakman

Si Datu Samporna at Christian Jay
Mula sa kaliwa pakanan: Rakman, Joleah Rocaya, Christian Jay at Merisa


Si Allan Jr. at Christian Jay

Mula sa kaliwa pakanan: Allan Jr., Arnold karga si Gab Harris, Christian Jay at Arson Mharc

Lyka Jane at Christian Jay

Si John Lloyd at Christian Jay


Christian Jay Sope Laya (CUM LAUDE)


Salamat po Panginoon Hesus at binigyan mo ako ng regalo. Isang regalong hindi ko makakalimutan. Ang bawat sandali ng aking buhay, ang aking paghinga, ang aking karunungan lahat ay utang ko sa Inyo. Paano ko po kayo mababayaran?

Ang Mindanao State University - General Santos City, ay tunay na bulwagan ng karunungan. Ang iyong mga matatalinong guro ay nagbukas sa pinto ng aking pangarap. Ang naghatid sa akin sa ulap ng katuparan. Thank You! MSU GSC, Thank You! Faculty and Staff of CSSH especially History Department!

Ma-mimiss ko ang mga araw na ako'y isang Iskolar. Patuloy kong babaunin ang iyong mga pangaral saanman naroroon. Bibigyan kita ng karangalan. Pangako kong pagbubutihin pa ang mga pangarap at mithiin ko sa buhay. Tulad ng dahon, liliparin ng dahan dahan ang kinabukasan.
Si Christian Jay at Consuelo

Si Christian Jay at Marissa




Si Christian Jay at ang kanyang ina, si Emily


Sa paglisan ni ama sa mundo ng mga mortal ay naiwan si ina. Siya ang nagsilbing ina't ama namin sa araw-araw. Ipinagpatuloy niya ang pangarap ni ama para sa amin at walang hanggan ang aming pasasalamat sa kanya.

Salamat Ma, Mahal ka namin. Ikaw ang ilaw sa kadiliman ng buhay. Ikaw ang pader na handang humarang sa mga unos ng buhay. Ikaw ang aming butihing ina. Walang papalit sa yo, magunaw man ang mundo.
Mula sa kaliwan pakanan: Lyka, Mama Emily, Christian Jay at JunJun
Ang aking pamilya na hindi nagkulang pagpapa-alala na hindi ako kabiguan. Pinakita nila ang kahalagahan ng buhay. Binuksan nila ang natutulog kong katangian at ipalasap ang makabuluhang pagpapatuloy sa kabila ng mga patibong at unos na sumusubok sa aking katatagan. Tunay akong mapalad sa piling nina ama at ina, kasama ang aking mga nakababatang kapatid, sa laylayan ng katayuan naging buong lakas namin ang isa't isa. Matatag ang aming pananampalataya at hindi tumigil ang Diyos sa kanyang mga himala. 




CHRISTIAN JAY SOPE LAYA
Bachelor of Arts in History
Mindanao State University
General Santos City
CUM LAUDE


Comments

Popular posts from this blog

Elementary Days

Municipal Mayors of Alabel