Kalayaan: Realidad ng Gradweyts
Photo of Christian Jay in his Graduation Day (MSU Gensan, 2018) |
Natapos ko na ang aking pag-aaral ngunit alam kong nagsisimula pa lang ang lahat para sa akin. Pagkatapos ng kolehiyo ay tutungo na naman ako sa pinaka-dahilan ng edukasyon at ito ay ihanda tayo sa realidad ng buhay. Kapag sinasabi realidad, ito na marahil ang buhay bilang malaya.
Kalayaan. Sabi nila kapag tapos ka ng mag-aral ay malaya ka na. Kanino at saan ba tayo malaya? Sa takdang-aralin, sa mga research at field work o sa mga exam at quizes ni Ma'am at sir? Ngunit wala pa la tayong kalayaan pagkatapos ng pag-aaral dahil mag-uumpisa pa lang ang lahat. Ito ang ilan sa mga rason kong bakit tayo ay hindi malaya:
Una, kapag may trabaho ka na, natural na may boss ka. Si boss ang bago mong teacher. Marami siyang ipagagawa sa iyo tulad ng homework na iniwasan mo. Idagdag mo pa ang maraming deadline na para bang may activity ka sa skul tapos bukas exam nyo. Projects? Marami yan after school. And doon mo lang ma-rerealize na mas easy ang buhay-estudyante kesa mag-work.
Pangalawa, kapag wala kang trabaho wala kang sweldo. Kapag wala kang sweldo natural aasa ka muna sa mga magulang mo, e parang wala ding nangyari sa pag-aaral mo. Buti pa noon, may baon ka at may pambili ng cellphone. Hindi pa nakakahiyang humingi dahil obligasyon ka pa nina ina at ama. Ngunit nun nagtapos ka na sa pag-aaral ay nagsinipisan na ang mga balat mo sa mukha para humingi ng baon. Pa-shy type - shy type ka pa.
Pangatlo, higit na dadami ang makiki-pagkompetensya sa'iyo. Noon sa skul, si klasmeyt lang ang mortal enemy mo ngayong gradweyt ka na aba marami na sila. Nandiyan ang mga datihang empleyado na kung umasta'y boss, nariyan din ang mga katulad mo newly hired na nagpapasipsip agad sa boss nyo. Magiging enemy mo rin kahit bestfriend mo dahil sa posisyon sa trabaho. Doon papasok ang impluwensya at koneksyon, ngunit kung wala ka nito pacensya na lang at better luck next time.
At huli, walang grades sa totoong buhay ngunit marami kang matutunan.
Higit na masaya nga ang pag-aaral ngunit nagbabago ang mundo at kasabay nito ang pagbabago ng takbo ng buhay nating lahat. Matatapos at matatapos din ang School Calendar at wala kang magagawa kundi ang sundin ang kapalaran.
Malaki ang naiambag ng paaralan sa iyo at nawa'y magamit natin ito sa totoong classroom ng buhay. Higit mang mapanghusga ang realidad, isaisip mo palagi na nakayanan mo nga si Terror teacher, si klasmeyt pa kaya. Klasmeyt?
Si klasmeyt na binully n'yo noon, boss nyo na ngayon.#
Comments
Post a Comment