No Smoking!

No Smoking Signage at Brokenshire College (Sept. 23, 2018)

Huwag manigarilyo!

Madalas nakikita at naririnig natin ang mga katagang "NO SMOKING". May mga bayan at lungsod na nagpasa ng mga ordinansa at resolusyon na nagreregula sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar tulad sa mga ahensya ng pamahalaan, parke, mga pook sambahan at maging sa mga kalsadahan. Ito'y hindi isang babala lamang dahil mismo ang pambansang pamahalaan ay isinusulong din ang "NON-SMOKING PHILIPPINES" upang mapanatili ang kalusugan ng bayan at maiiwas na rin sa mga sakit at karamdaman na mula dito.

Sa bayan ng Alabel at sa karatig-bayan nitong lungsod ng Heneral Santos ay mahigpit na pinatutupad ang ganitong mga ordinansa. Hati ang opinyo ng mga mamamayan dito. May mga nagsasabing sa una lang ito mahigpit pagtapos ng ilang buwan balik na naman daw sa dati sapagkat mismong mga opisyal pa nga ng pamahalaan ang madalas naninigarilyo sa loob mismo ng mga tanggapan ng gobyerno. Isang kahindik hindik na akusasyon.

Maraming sakit ang puwede makuha sa paninigarilyo tulad ng mga sakit sa baga (lung cancer, bronchitis, at iba pa), atake sa puso, pagsira ng matinong isipan at pagkakaroon ng malubhang karamdaman tulad ng kanser sa lalamunan at bibig. Lahat ng ito'y puwedeng humantong sa kamatayan. 

Ang DOH ay nagbabala na kahit ang mga hindi naninigarilyo ay puwede pa rin dapuan ng sakit dahil sa di sinasadyang paglanghap sa usok galing sa sigarilyo o second hand smoke. Sinasabing mas delikado ito at lubhang peligroso lalo na sa mga nagdadalang tao, mga matatanda at bata, mga may sakit sa puso at mga mahihina ang resistensya.

Ngunit dapat bang higpitan ang paninigarilyo? Dapat ba itong tuluyang ipagbawal? 

Kung ang mga smoker ang tatanungin mo malamang HINDI ang isasagot nila. Ang paninigarilyo ay tinuturing ng ibang libangan, na minsa'y nagiging bisyo sa pagtagal. Sa oras na nakagawian na ito ay paulit ulit na itong gagawin dahil adict na marahil sa kemikal na tinatawag na nicotine. Ang nicotine ay isa lamang sa napakaraming lasong kemikal na matatagpuan sa usok ng sigarilyo. Ilan dito ay formaline (kemikal sa pagprepreserba ng mga bangkay), cyanide (lason na ginagamit sa pagmimina) at marami pang iba.

Marami sa mga idolo nating artista ay smoker din. Sina dating pangulong Magsaysay, Garcia, Ramos at PNoy ay kilalang mga smoker. Ang paninigarilyo ay nakaimprinta na sa buhay ng mga Pilipino at patuloy na ginagaya ng nakababatang henerasyon. Sa pagpasok ng inobasyong teknolohikal ay naimbento ang e-cigarate na tulad ng tradisyunal na sigarilyo ay hinihithit din. Ang pinangkaiba lang hindi ito ginagamitan ng dahon ng tabako.

Maraming namamatay sa paninigarilyo. Pero palaisipan pa rin ang pag ka addict ng marami dito. Malamang sa hindi totoo ang narinig ko ang paghinto sa paninigarilyo ay kasabay ng huling hininga at bago ito mangyari huminto na.

NO SMOKING!



Comments

Popular posts from this blog

Elementary Days

Municipal Mayors of Alabel