Ang Bayan sa Piitang Ginto
Ang mga nakasisilaw na liwanag na nagpapabulag sa mga binhi ng kamalayan. Pinapatay nito ang mga hikbi ng mga sanggol sa dulong ng di makitang pag-asa. Nasabik ako. Nauutal.
Isang gunita na nagpapa-iyak sa mga mata. Mapanglaw na mga ungol sa gitna ng mga nakakatulalang panibugho.
Naisip ko ang sinabi ng tanda na ihahayag ng sugo ang kanyang mga tala sa takdang panahon. Panahon ng gintong butil sa makakapasong tigang na lupa. Umalingawngaw ang mga baril sa paraisong nauuhaw. Nauuhaw ang mga busog sa karangyaan. Nagmistulang dampa ang dating kastilyo. Nakahandusay sa lupa ang mga bangkay ng kahapon. Naaagnas sa ilog ng kapalaluan.

Comments
Post a Comment