LET March 2019

Maaga akong gumising upang maghanda sa LET exam. Alas 3 pa lang ng umaga ay gisn=ing na ako. Naligo at uminom ng kape. Bandang alas 4:30 ng umaga dumating si Franz.



Lulan sa motorsiklo ni Franz ay tumungo kami sa General Santos City. Malamig sa daan at madilim. Tumigil muna kami sa tabing daan upang umihi ako.

Bandang alas 5:30 ay dumating na kami sa paaralan. Marami nang tao sa kalsada. Lahat sila ay nakasuot ng puting damit. Halatang excited at handa na silang lahat.

Nandoon sina Ate Noreen at Ani. Nandoon din sina Aris, Joanne, Precious at Regina.

Pinapasok na kami sa gayt.

Tumungo kami sa Building kung saan kami naassign. Room No. 50 ako. Seat Number 10 naman ang aking upuan.

Alas 7 na ng umaga nagsimula kaming mag fill up sa form. Ang unang exam ay Gen Ed. Alas 8 hanggang alas 10. Dalawang oras.

Nagkaroon ng break pag alas 10. Alas 11 balik sa exam, at Prof Ed na man. Nagsimula ng alas 11 hanggang alas 2 ng hapon. Pag alas 2 hanggang alas 3 ay nagbreak.

Pag alas 3 hanggang 6 ay ang major.



Alas 5:30 palang ay tapos na ako sa exam. Umakyat kami ni Nico sa 4th floor ng Gabriela Silang Building.

Umuwi na kami ni Franz. Pumunta kami ng SM at kumain ng Inasal na manok unli rice sa Tambayan ni Pedro.



Bandang alas 8 na kaming umuwi sa bahay.

#LETMarch2019

Comments

Popular posts from this blog

Elementary Days

Municipal Mayors of Alabel