New Year 2020

Pagsalubong sa Bagong Taon hitik sa saya at pag-asa

ALABEL, Sarangani Province (Enero 01, 2020) - Naging mapayapa at makabuluhan ang pagtatapos ng taong 2019 sa Pamilyang Laya. Sabik ang mag-anak upang salubungin ng puno ng pag-asa ang bagong taon 2020. 



Ilang oras bago sumapit ang pagpapalit ng taon ay tumungo muna sa simbahan ang pamilya. Isang pasasalamat sa mga biyayang natanggap ang lulan sa mga panalangin.



Maingay ang paligid. Hawak-hawak ang takip ng mga kaldero ay nagmistulang digmaan ng halakhak at sigaw ang kapaligiran. Kumulay ang kalangitan dahil sa mga pailaw at paputok sa himpapawid. Labis ang kagalakan sa kanilang puso sa kabila ng mga hamon at pagsubok na kanilang kinaharap sa natapos na taon. #

 



Comments

Popular posts from this blog

Elementary Days

Municipal Mayors of Alabel