Kalayaan: Realidad ng Gradweyts
Photo of Christian Jay in his Graduation Day (MSU Gensan, 2018) Natapos ko na ang aking pag-aaral ngunit alam kong nagsisimula pa lang ang lahat para sa akin. Pagkatapos ng kolehiyo ay tutungo na naman ako sa pinaka-dahilan ng edukasyon at ito ay ihanda tayo sa realidad ng buhay. Kapag sinasabi realidad, ito na marahil ang buhay bilang malaya. Kalayaan. Sabi nila kapag tapos ka ng mag-aral ay malaya ka na. Kanino at saan ba tayo malaya? Sa takdang-aralin, sa mga research at field work o sa mga exam at quizes ni Ma'am at sir? Ngunit wala pa la tayong kalayaan pagkatapos ng pag-aaral dahil mag-uumpisa pa lang ang lahat. Ito ang ilan sa mga rason kong bakit tayo ay hindi malaya: Una, kapag may trabaho ka na, natural na may boss ka. Si boss ang bago mong teacher. Marami siyang ipagagawa sa iyo tulad ng homework na iniwasan mo. Idagdag mo pa ang maraming deadline na para bang may activity ka sa skul tapos bukas exam nyo. Projects? Marami yan after school. And doon mo lan...